Tila hindi bumilib ang talent manager na si Ogie Diaz kaugnay sa kung paano umakting ang actor na si Ronnie Alonte. 

Sa kanyang facebook post ay ibinahagi niya ang napanood niyang movie nina Ronnie at Loisa Andaloi.


"Sa TFC ko pa napanood ang “Love In 40 Days.”  Eksena nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa restaurant.

"Nag-e-emote sila pareho tungkol ata sa respective daddy nila." kwento ni Ogie sa kanyang post

Dito na ay tila nagbigay ng reaksyon si Ogie sa pag-acting ni Ronnie.

"2015 pa nag-start sa kanyang acting career si Ronnie, pero mga ilang taon pa kaya ang kailangan para ma-master niya ang simpleng akting?

"Hinahanap ko yung sincerity ng character sa mga mata, hindi ko naramdaman.  At halatang kabisado lang ang mga linya.  Walang puso ang bitaw. Parang nasa acting workshop stage pa rin siya." sabi Ogie 


Umaasa naman si Ogie na sana raw ay i-workshop si Ronnie ng Star Magic.

"Sana, i-workshop pa siya nang bongga ng Star Magic. Biniyayaan ka na ng magandang mukha,  paglaanan din sana ng panahon ang pag-arte. "sabi ni Ogie 

Sabi pa ni Ogie: "Yung ibang artista nga na di biniyayaan ng ganyang mukha, gumuguwapo sa paningin ng audience dahil napakahusay umarte, eh. 

"Hindi naman habambuhay, pa-cute lang tayo nang pa-cute.  Masarap din naman yung pinupuri ka hindi lang sa kaguwapuhan kundi sa husay din sa pag-arte."

Bata pa naman daw si Ronnie kaya kaya pa raw husayan ang kanyang pag-acting.

"Bata pa naman si Ronnie. Kaya pa niyang ayusin at husayan" sabi ni Ogie 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post