Neri Miranda super proud na gumraduate ng college sa edad na 36

 

Walang mapaglagyan ang tuwa ni Neri Miranda na nakapagtapos siya ng college sa edad na 36.

Si Neri ay gumraduate sa kursong Business Administration. 


Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi niya ang larawan sa kanyang graduation kung saan kasama din ang kanyang asawang si Chito Miranda.

Labis naman ang pasasalamat niya sa kanyang asawa.

Nagbigay rin siya ng mensage sa lahat na gustong makapagtapos.

Sabi ni Neri:

“GRADUATE NA AKOOOOOO!

“Natapos din!

“Thankful ako sa asawa kong palaging andyan for me to support me. Masaya lang siya kahit nasa gilid lang at pinapalakpakan ako sa mga achievements ko. Mas magaan ang buhay kapag may nag eencourage sa'yo at naniniwala sa kakayanan mo. Thank you, asawa ko. Mahal na mahal kitaaa ❤


“Sa lahat ng nakakabasa nito, kung kaya ko, mas kayo nyo. Kung wala pang budget, mag ipon ka lang. Iba iba man ang journey natin, yung iba mas mauuna, may male-late lang konti, meron matagal talagang dumating kagaya ng sa akin. Hindi naging madali sa akin lahat ha? Pero dahil palagi akong positibo na darating ang para sa akin, naghintay lang ako at habang naghihintay, ginagawa kong productive ang sarili ko. Para kapag ibinigay na ni Lord ang tamang panahon para sa akin, I AM READY.

“Kaya hahawaan ko kayo ng pagiging wais sa buhay, sa oras, sa pananaw sa buhay. Basta maging mabait lang sa lahat. Maging masaya sa success ng ibang tao at gawing inspirasyon to, maging fair sa lahat lalo na sa sarili mo, umiwas sa mga toxic na tao, manalig kay Lord, magtiwala sa sarili, at higit sa lahat... mag-share ng blessings"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form