Inulan ng paghangga ang asawa ni Vice Ganda na si Ion Perez matapos nitong magpa-feeding program sa kanilang lugar sa Concepcion Tarlac.


Sa kanyang vlog, makikitang namigay si Ion ng tig-limang kilo ng bigas sa 50 niyang mga kapitbahay.

Pinakain rin niya ng lugaw at sandwich ang mga ito.

"Ang original (na plano) lang, lugaw and sandwich. Nakaka-miss 'yung magpakain ng tao. Tsaka share your blessings, ika nga," ani Ion. "Iyan ang naisip kong paraan para mapasaya naman ang mga tagadito sa amin."


Pinasalamatan din niya si Vice na nag-sponsor ng 10 kilo na bigas.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post