Masayang ibinahagi ng kapamilya star na si Barbie Imperial na naka-move na siya sa hiwalayan nila ng dati niyang boyfriend na si Diego Loyzaga.

Sa panayam ng PUSH sa naganap na Mega Ball kamakailan lang ay inilahad ni Barbie na masaya na siya ngayon ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ni Diego.


"Sobrang happy ako about my life. Finally, naka-move on na ako. I'm very happy with my life now," sabi ni Barbie

Inilahad din ni Barbie na hindi madali sa kanya ang pag-move on.

"For me kasi, 'yung pag-move on, parang hindi naman siya tuloy-tuloy. There will be days na sasabihin mo na, 'Ay okay na pala ako.' And then one day, you just wake up, and boom, 'di ka pa pala naka-move on fully," paliwanag ni Barbie

"I think naka-move on na ako, matagal na. Pero ngayon ko masasabi na I'm really happy talaga," dagdag pa ng kapamilya actress 

Matatandaan na nito lamang February inanunsyo nina Barbie at Diego ang kanilang hiwalayan.


Nilinaw din ni Barbie na siya ngayon ay single at wala siyang nakadate.

"I'm not dating anyone. Wala, as in happy lang na ako lang. My happiness right now, sobrang, it's very peaceful. Like before kasi, after a breakup, parang ang bilis ko mag-date. But now, mas iba pala 'yung happiness kapag hindi mo siya nakukuha sa ibang tao," sey ni Barbie 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post