Itinanggo parin ng kapamilya actress na si Barbie Imperial ang mga bulaklak at sulat na bigay noon sa kanya ng kanyang ex-boyfriend na si Diego Loyzaga.


Sa kanyang latest vlog, ay nagtour si Barbie sa kanyang bedroom at dito ay ipinakita niya ang kahon naglalaman ng mga binigay ni Diego sa kanya.

Agad namang nagbigay ng paunawa o disclaimer si Barbie.

'Huwag feeling special (Diego) kasi marami pa akong ibang ganito. Hahaha! Joke lang, Diego!" sabi ni Barbie

 "Mahilig kasi ako mag keep ng notes galing sa loved ones ko. So, etong box na ito, mga letters from Diego before, mga flowers din na bigay niya sa akin." 


Ayon kay Barbie, maayos raw ang relasyon nila ni Diego kaya tini-tresure niya ang mga bigay nito.

"Wala namang bad blood. So, memories, di ba?" aniya.

Sa ngayon ay masaya si Barbie sa kanyang pagiging single.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post