Isinilang narin sa wakas ng actress na si Jennylyn Mercado ang unang baby nila ng actor na si Dennis Trillo.

Sa isang YouTube video ay kinumpirma ng dalawa na noon pang nakaraang linggo nanganak ang actress.


Bago ang delivery ng baby, sinabi ni Mercado na nagtungo sila sa ospital para magpa-checkup.

Hindi naman nila inasahan na hindi na sila pauuwiin ng doktor ng aktres.

"Check-up lang dapat kami ngayon e, bigla nalang eto na. Hindi kami ready," ani Mercado. 

Sinamahan ni Trillo ang asawa sa panganganak nito.

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
congrats po both of you grabe ang ganda ng kwarto ng baby nyo po😍😍😍
Previous Post Next Post