Usap-usapan ngayon sa social media ang latest vlog ng controversial vlogger na si Rob Moya. 

Sa kanyang inilabas na video ay hindi na si Toni Fowler ang topic ng kanyang vlog kundi ang kapamilya actress na na si Yassi Pressman.

Isang @mbush interview ang ginawa ni Rob para sa actress. Ayon ni Rob sa kanyang vlog, kasama raw niya ngayon ang kanyang crush na walang iba kundi si Yassi.


Sabi pa niya matagal na raw niyang crush si Yassi, noong sumikat raw ito ay sinubaybayan niya na.

Ngunit ayon pa sa kanya, hanggang pangarap lang daw na maging girlfriend niya si Yassi at tanggap naman niya ito.

Sa isang parte ng video ay biglang nagkaroon ng lakas ng loob si Rob at diretsahan niyang tinanong si Yassi :“Am I the type of guy na pwedeng manligaw sayo? O magiging type mo ba ko?” 

Sagot ni Yassi, marami raw siyang mga kinokonsider tungkol sa lalaking na pwede niyang magustuhan. 

Kaya tinanong niya si Rob kung mabait daw ba ito, funny, loyal, or does he love his family. Puro oo, yes, and of course naman ang sagot dito ng binata. 

Matapos itong marinig ni Yassi ay sinabi nitong "okay" ngunit sinundan niya ito ng "Maybe" na tila hindi pa sigurado.

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post