Binasag narin sa wakas ni Megastar Sharon Cuneta ang nagsilabasang tsismis na umanoy nakakaubos siya ng lechon de Leche.

Sa panayam ng Online News site na Push ay aminado si Sharon na nasasaktan siya sa tuwing siya ay nabody-shame.

"Dati daw nakakaubos daw ako ng isang lechon de leche. Hindi ka naman 350 pounds na nakakaubos ng maliit na baboy. Kawawa naman yung baboy. Nakakahiya naman di ba? Parang pag akyat ko sa langit sasabihin niya, ‘Ako yung linunok mo.’ Ang gusto ko lang balat at saka konting laman. Tapos tapos ka na kasi mauumay ka naman. Biruin mo may nag-chi-chismis ng ganun?" aniya sa panayam.


Ayon pa kay Mega, nakaka-awa rin daw ang maging biktima ng bodyshame.

“It’s 2022...There’s no sense to it. We’re all born with different body types and some of us gain weight faster, lose weight faster, never gain weight or gain all the weight. Please, there’s no sense in it. Stop it. It’s not uso. It’s hurtful, it’s not healthy. And you are not perfect either," aniya pa.

“But if you’re overweight, please don’t let people make you feel bad about yourself. It’s your self-image. It’s self-love. It’s really your choice. Please do not be affected. If I wasn’t in showbiz, I would probably just enjoy food all the time. I’m not vain at all. But I’m doing it more for my health. It’s important to also be comfortable in your own skin,” dagdag niya.

"If you have the means, it’s 2022. It’s alright. Just go to a reputable doctor and make sure you don’t look like everybody else. I have nothing against those nag-fi-fillers at ganyan pero be careful," paliwanag niya.

Samantala kasalukuyan namang mapapanood si Sharon Cuneta sa hit series ng kapamilya network na ABSCBN.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post