Nagbigay na ng kanyang prangkang reaksyon ang ang beteranang columnist na si Lolit Solis sa tsismis na umanoy gustong maging artista ni Angeline Quinto ang kanyang boyfriend. 


Aniya tumatayo raw ang kanyang balahibo ng mabasa niya ito. 

"Parang tumayo balahibo ko Salve ng mabasa ko na gusto daw ni Angeline Quinto na mag artista iyon non showbiz father ng kanyang naging anak. Sa nabasa ko na mga nasulat, may 3 ng anak sa 2 pang ibang babae iyon BF ni Angeline. Naanakan niya si Angeline Quinto, at ngayon may pangarap siyang pumasok ng showbiz." sabi ni Lolit 

Dagdag pa niya na hindi madali maging celebrity at tinawag pa niya itong feeling pogi.

"Bongga di ba ! Parang ganuon kadali lang puwede na siyang maging celebrity ? Parang nagka anak ka sa 3 babae, puwede ka ng matinee idol?"Feeling pogi at yummy dahil may mga babae na nagpa anak sa kanya ? Iyan ilusyon dapat may realidad din." sabi ni Lolit 

Inabisuhan rin niya ang boyfriend ni Angeline kung bagay ba raw ito sa showbiz.

"Check mo muna sa salamin o ikaw mismo sa sarili mo kung babagay ka ba sa mundo na papasukin mo. Porke pinatulan ka at nagpa anak ang isang Angeline Quinto, pang showbiz ka na ? Puwede ka ng artista ? Naku, dapat siguro magkaruon ng reality check pati si Angeline para naman iyon ulap sa mga mata nila mawala. Nagka anak na sa 2 magka ibang babae, pumayag kang anakan ka, tapos ngayon bibigyan mo ng ilusyon maging showbiz." sabi ni Lolit

May advice din si Lolit kay Angeline.

"Naku, sana na lang ang isipin mo ang magiging kinabukasan ng iyong anak Angeline, huwag mo ng pasukin ang trabaho ng pagiging talent scout. Baka maghanap lang ng iba pang babae na aanakan iyan BF mo sa showbiz kaya gusto pumasok, stop , look, listen ka muna." sabi ni Lolit 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post