Nagreact na ang actor na si Joshua Garcia sa payo ng dati niyang girlfriend na si Julia Barretto na huwag muna siyang mag-girlfriend.

Sa isang panayam ni Tito Boy kay Joshua ay inilahad nitong sinabihan niya si Joshua na huwag muna itong mag-girlfriend.


"I tell him, 'How are you? May girlfriend ka na ba? Huwag ka munang maggi-girlfriend. Sabi niya sa akin, 'Ba't ba ayaw mo ako magka-girlfriend?' Sabi ko, 'Basta, huwag ka muna magka-girlfriend. Enjoy what you have now."

Gusto raw muna kasi ni Julia na ma-enjoy ng actor ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon sa showbiz.

Nang nakapanayam ng Pep.ph si Joshua ay nagbigay ito ng reaksyon kaugnay sa nasabing payo ni Julia sa kanya. 

Ayon kay Joshua, lagi raw siyang sanasabihan ni Julia nag wag muna mag-girlfriend sa tuwing magkikita sila.

"Lagi niyang sinasabi sa akin yun pag nagkikita kami. Sabi ko sa kanya, 'Bakit ikaw lang ang puwede?'" ani Joshua. 

"Okay naman. Sa ngayon kasi ang daming magandang nangyayari sa taon ko, e. Parang kusang dumarating ang trabaho"dagdag pa ng actor  

Ayon pa sa actor hindi raw siya nagmamadali pagdating sa pag-ibig

"Yung love life, hindi ko sinasarado yung sarili ko dun, e. Pag may dumating, parang smooth, parang okay kami, parang same wavelength kami, okay kami.

"Kung darating, darating, hindi naman kailangang magmadali." sabi ni Joshua 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post