Kumpirmadong si James Reid  na ang bagong manager ni Liza Soberano.

Kinumpirma ito ng kanya dating manager na si Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.

Ayon kay Ogie hanggang May 31 nalang daw ang kontrata nila ni Liza. 

Ngunit nilinaw naman ng komedyante na maayos na nagpaalam sa kanya ang kanyang alaga.


"May bago na siyang management. 'Yun ay walang iba kundi ang team ni James Reid." sabi ni Ogie 

Maalala na kamakailan lang ay spotted sina James at Liza na magkasama sa isang event na kung pinanghihinalaan ng iba na may namamagitan sa kanila.

"Kaya pansinin mo, magkasama sila sa gala. Hindi lang si James ang kasama ni Liza kundi 'yung mga kapartners nila. Kasi parang meron silang business group, kasama doon si Liza. At the same time, yun na rin ang maghahawak ng kanyang career" sabi ni Ogie 

Panoorin dito ang kabuuang pahayag ni Ogie Diaz: 

Si Liza Soberano ay isang sikat na actress dito sa Pilipinas. Si ay ang reel at real life partner ng actor na si Enrique Gil.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post