Tapat na inamin ng actress na si Julia Barretto na handa na siyang pakasalan si Gerald Anderson.

Sa isang interview ni King of Talk Boy Abunda niyo lamang May 18, kay Julia sa kanyang  YouTube channel ay napag-usapan nilang ang tungkol sa kasal.


Sa isang parte ng video ay tinanong ni Boy si Julia ng "Are you scared of the prospect that one of this years, you're going to get married?"  

Ayon kay Julia hindi raw siya natatakot kundi na-eexcite pa raw ito at naku-curious.

Matapos marinig ni Boy ang sagot ni Julia ay tinanong niya ulit ito.

"Hypothetical, one of these months, Ge asks you to marry him. Would you say yes?"prankahang tanong ni Boy kay Julia 

Walang kaduda-duda ay sumagot si Julia ng "Yes".  

Panoorin dito ang video:


Si Julia Barretto ay isang sikat na actress at model dito sa Pilipinas. Siya ay anak ng actress na si Marjorie Barretto at ng komedyanteng si Dennis Padilla. 

Lalong nakilala si Julia dahil sa tambalan nila ng actor na si Joshua Garcia. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post