Nagsalita narin sa wakas ang actress na si Barbie Imperial kaugnay sa nagviral niya na kung video na kung saan walang kaarte-arte nitong tinanggap ang tagay mula sa isang lalaki habang sila ay magmomotorcade.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz, ay napag-usapan nila ang tungkol sa viral video na hindi raw in-expect ni Barbie na may kumukuha nito.


Aniya hindi raw siya nandidiri.

"Grabe. Hindi ko po in-expect na may nagbi-video pala 'dun. Pero 'yung reaction ko naman po 'nung inabutan ako ng tagay, kasi parang probinsyana rin po ako eh. So sa probinsya namin and fiesta din dun, so pag probinsya talaga 'pag dadaan ka tatagay ka talaga 'pag binigyan ka ng tagay. So parang for me, okay. Tinagay ko talaga siya" 

"Hindi po ako nandiri. Parang siguro po 'yung life ko po before, before ako maging artista, parang ganun din sa mga fiesta. So hindi naman po siya nakakadiri sa 'akin," 

Panoorin dito ang buong paliwanag bi Barbie:

Si Barbie Imperial ay kilalang artista dito sa Pilipinas. Siya ay unang masilayan sa telebesyon ng siya ay pumasok bilang housemate sa Pinoy Big Brother.

Si Barbie ay lalong nakilala ng mabigyan siya ng lead role na Araw Gabi sa ABSCBN na kung saan nakatambal niya ang actor na si JM de Guzman.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post