Sa wakas ay ipinakilala narin sa publiko ng singer-actress na si Angeline Quinto ahg kanyang baby.

Sa kanyang post sa instagram, ay ibinahagi niya ang larawan sa kanyang unang baby na si Sylvio.


"Everyone, meet our little bundle of love Aziel Sylvio Quinto Daquina @babysylvio #BabySylvio" sabi ni Angeline sa kanyang post 

Samantala ipinost rin ni Angeline sa kanyang YouTube Channel ang behind the scenes ng kanilang Photoshop.

Tingnan dito:

Isinilang ni Angeline ang kanyang unang baby noong April 27 2022 ng gabi. Maalala na kinumpirma ni Angeline na siya’y nagdadalang-tao sa panayam sa kanya ni Boy Abunda last December, 2021. Ngunit tumanggi siyang pangalanan kung sino ang tatay ng bata. 

Si Angeline Quinto ay isang sikat na singer dito sa Pilipinas. Unang nakilala si Angeline ng manalo siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post