Kinumpronta ng talent manager na si Ogie Diaz ang ang isang PBB Housemate na dinadaan-daanan lamang siya at hindi man lang daw siya binati. 


Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Ogie ang naranasan niya sa isang bagohang housemate na hindi nagbigay galang sa kanya kahit magkasama sila sa trabaho.

"May isang PBB housemate, makakasama ko siya sa isang teleserye Pictorial namin, dinaan-daanan lang ako, magkasama kami sa pictorial, magkasama kami sa show," ani Ogie 


"Hindi na ako nakatiis, tinawag ko. 'Bakit di ka bumati? Ilang beses mo kong dinaanan, ako pa babati sayo eh bago ka rito diba?' 'Sorry po, nahihiya po kasi ako.' 'Nahihiya ka e di sana sinabi mo sakin, 'Nahihiya po akong bumati sa inyo.' 'Syempre, andito ka sa mundo namin at kabahagi ka na rin namin dapat lumalapit ka sa mga seniors, ikaw nagpapakilala.' Mula noon, 'yun ang nakatatak sa kanya." sabi pa ni Ogie 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post