Nagbigay na ng kanyang reaksyon ang kapamilya comedian at isang vlogger na si Ogie Diaz sa video ng umanoy pag-aaway nina Baron Giesler at asawa nito.


Sa kanyang showbiz update vlog ay ipinakita ni Ogie ang nasabing video na naipost ni Baron sa kanyang instagram na ngayon ay burado na.

Hindi raw alam ni Ogie kung aksidente o sinadya ba raw itong naipost ng actor.

"Nakakaloka ito, jusko. Bago pa mabura eh ipapakita na po namin sa inyo ito ha. Oo, kasi nga parang... hindi ko alam kung sinadya o hindi sinadya na mai-post ni Baron Geisler yung away nila ng jowa niya." sabi ni Ogie 


Matapos nilang iplay ang nasabing clip ay tina-translate na ni Ogie ang sinabi ng asawa ni Baron sa actor.

"Nasa kama si Baron tapos parang tumatalak yung misis niya, at ang sabi ng misis niya, 'Ano? Gusto mong magpasaklolo? Tawagan mo yung sugar mommy mo,' sabi ni Ogie 

"Yung sa buwisit nung misis, isinaboy kay Baron yung parang tubig kaya nakita sa binti ni Baron na parang basang basa siya tapos kumalat din sa kama. Ayun nga, sabi ni Baron, 'Sino ba ang kailangan ng rehab?' or 'Sino ba ang kailangan magpa-rehab?' So parang ang sinasabi ni Baron na hindi ako ang dapat magpa-rehab, ito. Parang ganun." sabi pa ni Ogie 

Sinabi rin ni Ogie sa nasabing vlog na dapat hindi na nagbibideo si Baron sa away nila ng kanyang asawa.

"Dapat ay sana maayos na yan. At oo nga, nakakahiya naman Baron na vinivideo mo pa, dapat hindi na. Pag-usapan niyo na lamang" 

Panoorin dito:


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post