Di mapigilang maiyak ni Melai sa isang episode ng Magandang Buhay ng kanyang ibahagi ang pinagdadaanan ngayon ng kanyang ama.


Aniya, ito raw ang kinakatakutan niya na mangyari sa kanyang magulang.

"Si papa talaga, meron siyang pinagdadaanan ngayon. Mahirap talaga sa isang anak. Ito 'yung isa talaga sa mga kinakatakutan natin na mangyari sa buhay natin 'yung mga magulang natin, hindi ba? Pero masakit mang [isipin], ire-ready mo ang sarili mo kasi ipinahiram din sa iyo ni Lord." sabi ni Melai 


"So dahan-dahanin mong ia-accept. Sa pamilya namin ako talaga 'yung strong-strong. So laban lang, kasi the more na ipi-feel mo ang sakit mo, the more na dadami siya. Kaya kami sa pamilya, ako pa-strong-strong. Ayaw kong umiyak dito kasi nga makita niya na umiiyak ako, mai-stress na naman siya, kaya ayaw kong umiyak,” dagdag pa niya 

Panoorin dito:


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post