Viral ngayon sa social media ang video ng actor na si Jericho Rosales matapos itong maispatang tumutulong sa paghuhugas ng plato sa isang bar.


Sa Tiktok account ni @melissayozel ibinahagi niya ang isang video clip kung saan makikita si Jericho na naghuhugas ng mga baso at pinggan sa bar noong Nobyembre.

Nagbibiro pa si Jericho sa mga kostumer na kaya dumami ang kanyang hugasin dahil dumami ang kanyang hugasin.

"Masyado kayong malakas uminom e. Nag-iisa lang siya," ani Jericho sa mga kostumer.

Kwento ng uploader ng video.

“Mag-isa ako sa bar. Ako ‘yung bartender, ako ‘yung naghuhugas, ako ‘yung cashier, ako ‘yung nagba-bus out. Nando’n si Echo (nickname ni Jericho) kasi ka-close niya ‘yung ka-work ko so nag-iinuman sila,” aniya.


“Pinuntahan ko siya agad. Sabi ko, ‘Hala ‘wag na kasi customer kita. Huwag ka nang maghugas diyan.' Sabi niya, ‘Okay lang talaga, naiintindihan kita. Waiter din ako dati kaya okay lang sa akin. Saka medyo lasing na ako kaya iniiwasan ko na mag-shot. Dito na lang ako, maghugas na lang ako dito sa tabi'," 

@melissayozel Reply to @liaeiou . ayaw niyo ba talaga ng story time? hahahah sinong artista pupunta sa likod ng bar para mag hugas?! #jerichorosales lang sakalam! #jericho ♬ original sound - melissayozel
@melissayozel Reply to @mamilave . btw, nov last year pa to, di pa ko nag ttiktok nung nangyare to haha #jerichorosales #barback #jericho #theshrineofsatisfaction ♬ FEEL THE GROOVE - Queens Road, Fabian Graetz

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post