Pinatahimik ng singer na si Moira Dela Torre ang isang basher na nagsasabing binayaran umano siya ng 1.5 million ng kampo ni VP Leni Robredo.


Sa kanyang sa post sa social media, ibinahagi ni Moira na magpe-perform siya sa campaign rally nina VP Leni at Kiko Pangilinan sa Zamboanga City.

Ngunit isang netizen ang komento na 1-5 million raw ang ibininayad ng kampo ni Leni kada artist sa nasabing rally.


 “GG, 1 to 5 million per artist offer,” sabi ng netizen 

Ayon kay Moira, hindi sila bayad at kusa silang nagvolunteer.

“Hindi po kami bayad. Nag-volunteer lang din po kami,” sabi ni Moira 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post