Ipinagtanggol ng beteranang culumnist na si Cristy Fermin ang actress na si Angel Locsin laban sa basher na nangbo-body shame sa actress.


Sa kanyang latest episode ng kanyang Cristy Ferminute show ay tinalakay ang pagpunta ni Angel kay Kris Aquino sa ospital na kung saan tinawag raw na "epal" si ang actress 

“Uy, 'wag niyo naman pong sabihan ng epal si Angel Locsin, Nagpunta na nga po d'un, nagpunta na nga po 'yung tao bilang isang kaibigan para sumuporta kay Kris Aquino. 'Wag na po natin sinasabihan ng epal ang taong mapagmalasakit at marunong magmahal at magpahalaga.” sabi ni Cristy Fermin 

Aniya pa grabe raw ang pambabash nila kay Angel.


"Mayroon pa akong nabasa, 'Tumabi-tabi ka nga Angel, huwag ka ngang lumalapit sa kama hindi na namin makita si Kris sa katabaan mo.

  "Grabe 'yung mga pamba-bash nila, 'no? 'Yung taong pumunta d'un, bukal ang loob, tumulong, makisimpatya tapos gaganunin pa natin,”  

“May anggulo kasi na naupo yata si Angel sa tabi, tapos dumukwang. Pinalalayo siya, 'Umalis-alis ka nga diyan, 'di namin makita si Kris sa katabaan mo.' Huwag naman po ganu'n. Nagmagandang-loob na nga po si Angel. Nagmalasakit na nga sa kanyang Ate Kris. Nagpahalaga na nga po at nagpakita ng kagandahan ng puso sa pagsuporta, ganyan pa po ba ang ibabalik natin?” 

Panoorin dito ang video sa markang: 52:05 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post