Usap-usapan ngayon  sa social media ang birthday greetings ni Angel Locsin sa kanyang asawang si Neil Arce.


Ito ay matapos kinumpara ni Angel si Neil kina Erwan Heussaff, Dingdong Dantes at Dominic Roque.

Aniya hindi man daw kasing galing si Neil sa mga tatlong lalaking nabanggit sa taas magpicture hindi naman daw ito nahuhuli pagdating sa effort.

"Hindi man siya kasing galing nila @erwan @dongdantes at @dominicroque mag-picture, hindi naman siya nahuhuli pagdating sa effort " sabi ni Angel 


"Kaya talo man ako sa ganda ng feed nila @annecurtissmith @marianrivera at @beaalonzo , panalo naman ako sa pagmamahal at kasiyahan na binigay niya sakin " dagdag pa niya

Ani pa ni Angel: "Maligayang kaarawan my love @neil_arce Mag-aral ka lang mag picture, sobrang perfect mo na talaga" 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post