Kinumpirma na ng kapamilya actress na si Angelica Panganiban na siya ay buntis sa unang baby nila ng kanyang boyfriend na si Gregg Homan.


Sa kanyang post sa instagram ngayong araw, ay masayang ibinahagi ni Angelica na magiging ganap na siyang ina.


"Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko," chika ni Angge.

"Magiging ganap na INA na po ako," dagdag pa niya.

Nagpasalamat din siya dahil magkakaroon na ito ng pamilya kasama ang boyfriend na si Gregg Homan.


"Opo, may matres ako mga baklaaah! ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilyanamin. Waaaaaah! Huhuhu. may pamilya na ko kaiyaq pramis," dagdag pa niya.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post