Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-introduce ng kapamilya TV-Host/Actress na si Toni Gonzaga kay Rodante Marcoleta na maalalang isa sa mga nag yes para mabasura ang franchise renewal ng ABSCBN.


Si Toni kasi ang napiling mag-host sa naganap na Marcos-Duterte proclamation rally. 

Samantalang ang kanyang asawa naman na si Paul Soriano ay direktor ng Uniteam ad.

Maalala na noong mabasura ang franchise renewal ng ABSCBN ay maraming empleyado ng nasabing station ang nawalan ng trabaho.


Matapos mabasura ang franchise ng ABSCBN ay nagpost pa si Toni sa kanyang instagram Instagram dated July 18, 2020: “Sa lahat ng nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang ginawa nyo sa mga trabahador ng ABSCBN. You may have the power now but it will not be forever..." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post