Pinatunayan ng Queen of All Media na si Kris Aquino na siya ay buhay na buhay pa sa kabila ng kumakalat na balitang pumanaw na raw siya.


Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Kris ang kanyang video na kung saan kinukunan siya ng dugo.

"Sandali ah. Para may proof of life tayo, Ikaw tatanungin ko. What's today?"tanong ni Kris sa nurse

"February 7," sagot ng nurse.

"Thank you. Buhay po ako ah. February 7 today. Happy birthday to my nephew Miguel. Sorry ninang has not greeted you kasi ninenerbyos at bawal ma-stress. So kung aawayin n'yo ko, do it February 8," hirit naman ni Kris.


Samantala, humanga at nagpapasalamat din si Kris sa nurse dahil agad itong nakahanap ng ugat para turukan ng karayom.

"Tuwang-tuwa naman ako," ani Kris. "Because the last time, so that's January 2, talagang Wala. I was so dehydrated na walang dugo."

"Ang galing mo. Ikaw na lang forever dapat kumuha ng blood ko," sabi niya sa nurse.

Narito ang post ni Kris(I-Swipe left para makita ang video).

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post