Matapang na isiniwalat ng isang Theater Artist na si Mark Ghosn ang hindi niya magandang karanasan kay Toni Gonzaga noong siya  ay nag-OJT sa Star Cinema.


Kwento niya "Parati kong ibi-bring up yung incident na binato ako ni Toni ng tissue sa mukha after niya ipahid sa kili-kili niya kasi deserve malaman na maldita talaga siya.

"OJT days sa SC, may mall show, hiniram ako ng SC sa dept namin kasi walang available na intern. Bilang idol ko siya at pinagtanggol ko pa siya sa paglipat niya, pumayag ako mag-asikaso.

"Naka stand-by siya kasi aakyat na sa stage, nag-smile ako, umirap.Iritable siya kasi namamasa kili-kili niya so nagpakuha ng tissue, inabot ko, walang thank you.Pinunas ang tissue sa kili-kili habang naiinip na tawagin kahit kararating niya pa lang naman.


"Inabot ko ang mic sa kanya, binato sa mukha ko ang tissue na galing sa kili-kili. Shookt ako.Nakita ng manager ko, ang sabi hayaan ko na lang daw, ganun daw talaga siya, masanay na lang daw sa showbiz. 

"Sinabi ko sa mga classmates ko yung nangyari, yun pala, kaya ayaw nila sumama sa mall shows pag siya ang artista kasi may kaniya-kaniya rin silang experience, di man lang nila ako sinabihan kasi nga idol ko, haha. 

"Pero alam mo, kapag si Bea, nag-aagawan silang sumama."



Dagdag pa niya: 
"Ako naman ay nagkwento lang ano. Kung ang katotohanan ko ay magpipinta ng masamang imahe ng ibang tao, di ko na po responsibilidad yun, ang mahalaga di tayo maduwag na magbahagi ng personal nating karanasan para sana umayos na sila sa mga susunod na makakatrabaho nila." 




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post