Prangkahang tinanong ni Ogie Diaz ang TV-Host na si Toni Gonzaga na kung nakakalimutan na ba raw niya ang ginawa noon ni Rodante Marcoleta sa ABSCBN.


Sa kanilang latest vlog, naging topic nila ni Ogie ang pagho-host ni Toni sa naganap ng proclamation rally ng BBB-Sarah tandem nito lamang February 8.

Ayon kay Ogie, maaari raw na si Toni ay nakakalimot na si Marcoleta ay isa sa nagdiin para di mabigyan ng bagong prankisa ang ABSCBN.

"Siguro si Toni, bilang host siya e binabasa lang niya, may binabasa po siyang monitor kung paano niya ipakikilala ang susunod na magsasalita. E doon lang siya nakatuon.

"Siguro din nakalimutan ni Toni yun palang si Marcoleta ang isa sa dahilan kung bakit hindi nabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. So, nakalimutan siguro yan ni Toni.


"Pero kung ito ay hindi nakalimutan ni Toni't pinaninindigan niya na talagang trabaho niya bilang host na ipakilala lahat ang magsasalita so be it," pahayag ni Ogie 

Kaya diretsahang kinwestyon ni Ogie ang nasabing TV-Host kung nakalimutan ba raw niya or alam niya ang ginawa noon ni Marcoleta sa ABSCBN.

"Toni nakalimutan mo ba talaga or talagang alam mo 'yun at aware ka na si Marcoleta 'yun ini-introduce mo," sabi ni Ogie 

Panoorin dito ang buong video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post