Nagsalita narin sa wakas ang actress na si Sylvia Sanchez sa pambabatikos na kanilang natanggap dahil sa umanoy ginamit lang ng kanilang pamilya ang girlfriend ni Arjo Atayde na si Maine Mendoza.


Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay inilahad ng actress ang paulit-ulit na akusasyon laban sa kanila.

“Actually, hindi pa tumatakbo si Arjo, binato na 'yan sa anak ko. Pinagtawanan na lang ng anak ko. Pati nga ako, ginagamit ko raw si Maine dahil wala raw kaming mga career. Hindi raw kami sikat,” ani Sylvia.

“Ang habol daw namin kay Maine 'yung milyon niya, yung pera niya, 'yung McDo niya. Mga ganun na paninira,” ayon pa sa aktres.

Inilahad din na nagsosorry sa kanya si Maine Mendoza dahil sa pambabatikos ng netizens.


"Sa totoo lang, hiyang-hiya si Maine. Nagso-sorry, sabi niya, ‘Tita, I’m sorry.’ Kasi yun nga, sinasabi na ginagamit,” sey ni Sylvia.

“Okay lang sa amin kasi alam naman ni Maine ang katotohanan. Si Maine nga, ‘Tita, I’m sorry. Hiyang-hiya ako.’ Sinasabi ko… ‘Maine, hindi ikaw ang namba-bash, hindi ikaw ang naninira. At hindi ganun ang paniniwala mo sa amin. So okay na kami dun, masaya na kami.’ Ang importante si Maine at si Arjo at ang pamilya ni Maine at kami,” aniya pa. 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post