"Sana all" 

Iyan ang sigaw ng ilang netizens matapos regalohan ni Neri Naig ang kanyang asawa na si Chito Miranda sa birthday nito.

Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Neri ang mga larawan ng interior at exterior ng yate.


Caption niya: "Happppy birthday, baby ko! Surpriiiise!

"May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang , pero may bedroom, mini sala, at banyo hehe!

"Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!

"Syempre bilang wais na misis, ipaparent din namin to soon! Para makabawi-bawi naman kahit paano hahaha! Buti nalang may mga business partners ako dito hehe!


"Anong name ng yate? Syempre, 'Margarita"! Since hindi girl ang naging baby namin, dito na lang namin ipinangalan, hehe!

"Follow @margaritayacht para malaman nyo soon kung kailan pwede nang i-rent. Stay kayo sa @mirandasbeachcondo tapos rent kayo sa @margaritayacht para mas masaya ang vacation nyo sa dagat. Wala pa kaming jetski, pero balak ko na rin pag-ipunan. Next time muna...sagad na bulsa ko."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post