Isiniwalat na ni Ogie Diaz ang buong katotohan sa isyu na umanoy buntis ang girlfriend ni Nash Aguas na si Mika Dela Cruz.


Naka-usap raw mismo ni Ogie si Nash at nilinaw nito na walang katotohan ang isyung ito. Nagtataka rin daw si Nash dahil hanggang buhay parin ang isyu.

"Kausap ko nga si Nash Aguas. Sabi niya sa akin kasi may blind item, 'O last year pa 'yan e na na-blind item si Mika na buntis daw, ngayon may lumabas na naman?' Oo may lumabas na naman, di totoo yan tito Ogie," sabi ni Ogie sa kanyang showbiz update vlog kasama si Mama Loi at Tita Jegs 

Ayon pa kay Ogie, medyo "Beggie" raw ngayon si Mika kaya siguro ito ang naging basihan ng mapanghusgang netizens na buntis ang actress.

"Medyo biggie lang si Mika ngayon. Dahil nga sa lumaki. Lumaki kasi siyempre alam mo na, wala pang work. Stay sa bahay so medyo biggie siya," sabi pa ni Ogie 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post