Totoo kaya na tatapusin na ang noon time show ng TV5 na Lunch Out Loud(LOL)?


Ayon kasi sa Facebook post ng SCOOP, plano na raw na tapusin ang nasabing noontime show dahil luging-lugi na raw si Albee Benitez na siyang producer sa show. 

Ayon pa sa SCOOP, naghahanap na diumano ngayon ng malilipatan si Billy Crawford dahil alam na raw nito ang mangyayari.

Basahin dito ang post ng SCOOP.

"Isang insider ang nagbulong sa isa sa mga editors ng SCOOP na plano nang tapusin ni Albee Benitez ang airing ng Lunch Out Loud na napapanood sa TV5. Diumano'y luging lugi na ang producer-businessman. 


"Noong una'y maganda ang takbo ng noontime show subalit kalaunan ay nauubusan daw ito ng advertisers, dahilan para malugi dahil wala ng balik sa kampo ni Benitez. 

"Isa pang sitsit ng insider ay tila alam na ni Billy Crawford ang mangyayaring ligwakan kaya't ngayon palamang ay nagbibigay na ito ng feelers sa ibang networks para makalundag agad. 

"Nalulungkot naman ang Scoop insider dahil maraming production staff na naman ang mawawalan ng trabaho sakaling magkatotoo ang pagbitaw ni Benitez sa show."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post