Sugatan ngayon ang aktor na si Diether Ocampo itong maaksidente.


Sa inisyal na report ni RH27 Noche Cacas, sakay ang aktor ng kanyang Ford Explorer nang sumalpok sa nakaparadang truck ng basura sa Osmeña Highway bago dumating sa Arnaiz Avenue, Brgy. Pio del Pilar.

Nangyari ang malagim na aksidente dakong alas-12:40 ng madaling araw.


Wala namang nasaktan sa panig ng mga basurero na nangongolekta ng basura nang mabangga ng SUV ang kanilang truck.

Dinala na sa Makati Medical Center si Ocampo upang gamutin. 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post