Sa isang episode ng Cristy Ferminute ng beteranang entertainment columnist na si Cristy Fermin ay ibinunyag nito na tinulungan noon ni Willie Revillame si Vhong Navarro.


Sa nasabing episode inilahad ni Cristy ang nangyari noon kay Vhong.

"Maraming taon po ang nakararaan ay nasangkot po sa isang matinding kontrobersiya si Vhong Navarro."

 "Ito ay yung tungkol sa isang babae at yung bugbugan sa elevator na humantong pa sa korte." 

Inilahad rin ni Cristy ang pagbisita noon ni Willie kay Vhong sa ospital.

Napansin raw ni Willie na maiksi lang ang space sa kwarto ni Vhong at hindi raw magkasya kung darating ang mga imbistigador at abogado para kausapin ang Its Showtime host. 


Kaya ang ginawa raw ni Willie ay nilipat niya si Vhong sa mas malaking kwarto.

"Nung aalis na siya, nag-ipit siya ng cheke kay Vhong Navarro. Nag-ipit siya tapos biglang umalis. Umiyak si Vhong. Hulaan mo magkano ang nasa cheke. Anak, P1 million. Eh hindi yun makakalimutan ni Vhong kahit kailan." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post