Trending kamakailan sina Vice Ganda at Ion Perez matapos nilang ibinahagi ang pagpapakasl nila sa US noong nakaraang taon.


Ang nasabing wedding ay umani ng samut-saring reaksyon. Maraming natutuwa peru di rin mawawala ang nangne-nega.Ngunit tila dedma na rito ang komedyante.

Sa kanyang Instagram post ay nagpasalamat si Vice nang bonggang-bongga sa lahat ng mga bumati sa pagpapakasal nila ni Ion, lalung-lalo na sa mga taong tanggap na tanggap ang kanilang pagmamahalan.

“Thank you very much for the overwhelming love that you have been sending us. Our hearts are full. Happy Valentine’s Day!!!” ani Vice sa kanyang post 

Kaya ngayong kasal na sina Vice at Ion ay ang inaabangan ng publiko ay kung itutuloy naba nito ang plano na magkaroon ng sariling baby.


Pwede kasi na magkaanak si Vice gamit ang surrogacy na gaya na lamang ng negosyanteng si Joel Cruz. 

Maalala na sa isang panayam, inilahad ni Vice ang ninanais niya na magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya.

“Nagbabago rin pala talaga ‘yung tao ano? ‘Di ba sabi ko, yung kasal, ‘No, not for me.’ If my friends, if some people in my community want to do it, I support them. Pero ako, not my thing. Hindi ko nakikita ‘yung sarili ko.


“But yeah, kino-consider ko na talaga siya. Gusto ko na maging parent. Kasi dati, sabi ko, ‘No, not my thing.’ Hindi ko kayang mag-alaga ng bata.  

“Tapos eventually nag-grow sa akin yung pagkagusto ko sa bata dahil sa Showtime, dahil sa Star Cinema, sa mga ginagawa kong pelikula na lahat ang target ko, para ito sa mga bata. 

“Feeling ko I can be a great parent. Nararamdaman ko na sa sarili ko ‘yun,” sabi pa ni Vice



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post