Isinumpa ng kapamilya actress na si Barbie Imperial na hinding-hindi na niya babalikan ang kanyang ex-boyfriend.


Ayon kay Barbie nakaranas raw siya ng worst Valentines Day before.

"Worst (Valentine's day) ko when ‘yung break up ko before and then parang months after na doon ko nalaman na ‘yung mga dine-deny before, totoo pala tapos nalaman ko ‘yun on Valentines Day," ayon sa aktres.

"But wala na kami, so, parang wala na akong magawa, walang confrontation or anything. No choice but to move on talaga, pero ‘yung betrayal nandiyan pa rin," dagdag ni Barbie.


Ayon pa kay Barbie wala na raw dahilan pa para balikan ang kanyang ex.

“Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex," sabi ni Barbie

Maliban kay Diego, naging boyfriend din ni Barbie sina Paul Salas, Ryle Santiago, at JM de Guzman. 

Sa ngayon ay masaya si Barbie dahil sa kanyang pagiging single dahil aniya nagagawa niya ang kanyang gusto.

"these days, ang dami ko nagagawa na di ko magawa-gawa noon kasi siguro in love na in love ako."

“Ginagawa ko 'yung sports na gustung-gusto ko before na di ko magawa. Nakakasama ko yung mga kaibigan ko na matagal ko nang di nakita," aniya pa.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post