Sa showbiz update vlog ni Ogie Diaz ay naging topic nila ang hiwalayan ng couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.


Kwento ni Ogie, sinabi raw ng kanyang source na "medyo nakakasakal" raw itong si Barbie.

"Kasi medyo nakakasakal din daw itong si Barbie Imperial, sabi sakin ng source ko," sabi ni Ogie

"Na nung si Diego raw ay naririto pa, wala pa sa U.S., eh talaga raw laging nasa bahay ni Diego si Barbie. Binabantayan si Diego," dagdag pa nito 

May isang pagkakataon raw na tinanong ng ina ni Diego na si Teresa Loyzaga si Barbie kung may iba pa raw na itong gagawin kasi nandoon raw ito lage sa bahay nila.


"Eh one time daw itong si Teresa Loyzaga, eh sinabi, 'Hija wala ka bang ibang mga gagawin?' Parang ganun. Baka meron ka pang ibang trabaho, o ano. So parang in short, gusto na siyang pauwiin," ani ni Ogie

"Kasi nga dun nga nakababad sa bahay nila. Eh siguro ganun siguro magmahal si Barbie no, pag nagmahal siya, all mine to give,"dagdag pa nito

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post