Inilahad ng The Broken Marriage Vow star na si Jodi Sta. Maria na pangarap niya ulit makasal sa kabila ng kanyang pinagdaan na kung saan hindi naging successful ang kanyang marriage.


Sa isang interview inilahad ni Jodi na umaasa siyang darating ang tamang lalaki para sa kanya.

“In my heart, I know I would want to take that road again with the right person," sabi ni Jodi sa interview nito kay Karen Davila

Ayon pa kay Jodi, nang maghiwalay raw sila ng dati niyang asawa na si Panfilo Lacson Jr. ay na-depress siya.

“When my marriage didn’t work out, I felt like I was the biggest failure, the biggest joke. Ganun ‘yung pakiramdam ko, na nagkaroon ako ng feelings of shame, of guilt na ‘shocks nakakahiya.’ Kumbaga, hindi ko naayos, hindi ko nabigyan si Thirdy ng buong pamilya," sabi ng actress


Ayon kay Jodi, hindi raw madali peru nagawa niya paring patawarin ang dati niyang asawa.

“At first, I wouldn’t say na after the separation ‘yung ‘sige na, let’s be friends.’ Walang ganun, iyempre a heartbreak is a heartbreak. You’ll have to go through all these feelings of grief and loss and it’s not and it will never be easy," sey ni Jodi.

“Forgiveness — I’m not saying that it’s easy, but it is possible,” dagdag pa niya

 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post