Nagluluksa ngayon ang kapamilya actor na si Jake Cuenca sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola.


Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ni Jake ang hirap na pinagdaanan ng kanilang pamilya nitong nakaraang tatlong linggo  habang hinaharap ang katotohanan na wala na ang kanilang Lola Elvie at hinding-hindi na nila ito makakasama kahit kailan. 

“The past 3 weeks have been a very difficult time for my family. It’s was very hard to set this aside for 3 weeks because I was on location shooting but today it finally sank in,” ani Jake 


Sa kabila nito, ay feeling relieved narin si Jake dahil alam niyang nasa tahimik na lugar na ang kanyang lola.

“My beloved Lola Elvie is not with us anymore although I know you’re in a better place now and I know you are happy in heaven with Tio Manoling,” sabi pa ni Jake 

“It’s still so hard to fathom that you’re not with us anymore. I love you Lola Elvie we miss you. Rest In Peace. I will hold on to every memory we have together. I miss you already.” dagdag pa niya 

Nagbigay rin ng makabuluhang mensahe si Jake para sa mga tao na mas mabuting iparadamdam na ngayon ang pagmamahal habang buhay at huwag nang antayin na mawala pa ito sa mundo. 

“If you have a chance to tell your loved ones that you love them take it, say it, and mean it never be afraid to express love because we never know what tomorrow has in store,” pahayag ng award-winning actor.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post