Sa vlog na ipinost ni Cherry Pie Picache sa kanyang youtube channel, inilahad nila ni Edu ang gusto nila ng makabuo ng pamilya at inamin nila ang kanilang gusto na magkaroon ng baby.


“Who wouldn’t want babies? Hindi ba? I’d love to have babies,” sabi ni Edu 

Ayon naman kay Cherry Pie, gusto rin daw niyang magkaroon ng kapatid ang nag-iisa niyang anak na si Nio.

“Lalo na ako! I only have one [child]. I mean ‘di ba, it would be nice? Siguro ang ganda ng anak natin nun!” sabi ni Cherry Pie 

Inilahad rin ni Edu na isa sa mga rason kung bakit gusto niyang magkaroon ng anak ay para mabigyan umano siya ng pagkakataon na maisayaw ito sa Debut.


“Gusto ko sana kasi iniisip ko kasi minsan, yung pag naging 18 ang talagang gusto kong mangyari, gusto kong maisayaw yung anak ko sa kanyang debut. Si Addie, hindi, naghanda ako. Nagpa-dancing lessons pa ako tapos biglang sinabi, ‘Daddy, (sagutin mo na lang) yung gagastusin na lang sa party, pupunta na lang kami ng mga kaibigan ko sa Boracay.’ Pinaghandaan ko pa naman ito. Pinag-ipunan ko ito. Pero ang importante naman yung kaligayahan niya. Hindi yung akin. Yun ang pinaka-importante,” he explained. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post