Pinalagan ng dating Pinoy Big Brother housemate ang isang basher na nagsasabing huwag siyang makisawsaw sa politika.


Isang twitter user ang lakas loob na sinabihan si Dawn na kung gusto raw niya magka career ay huwag na siya makisawsaw sa politika.

"Kung gusto mo magka career wag kang makisawsaw sa politika. Unless gusto mo mapansin at bayaran ang endorsement mo. Kaso sikat ka ba?"sabi ng basher 

Pinalagan naman ito ni Dawn at prangkang sinagot ang basher na kung kasikatan ang basehan para magkaroon ng karapatang magsalita ay ang naturang netizen dapat umano ang manahimik. 


"ung basehan ang kasikatan upang magkaroon ng karapatan magsalita at ipaglaban ang tama, pwes, tumahimik ka."sabi ni Dawn 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post