In-unfollow na ni Toni Gonzaga ang lahat ng kanyang mga kaibigang artista kasunod ng kanyang pahayag na aalis na bilang host sa Pinoy Big Brother.


Maalala na maraming kapamilya artist at netizens ang tila nadismaya kay Toni dahil sa paglahok nito sa grand proclamation rally ng BBM-Sara UniTeam nitong Martes, Pebrero 8.

Mayroon na lamang 22 person ang pina-follow ni Toni sa kanyang instagram. Tanging ang kapatid na lamang niya na si Alex Gonzaga ang artista na kanyang pina-follow. 


Kabilang din sa kanyang pina-follow  ang kanyang asawa na si Paul Soriano, asawa ni Alex na si Mikee Morada at ilan pang tila mga malalapit na tao sa kanya.

Kasalukuyang mayroong 7 million followers si Toni sa Instagram.




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post