Sa latest showbiz update vlog ni Ogie Diaz ay napag-usapan nila ang tungkol sa mainit na isyu ngayon nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Francine Diaz.


Sa nasabing episode ay nagpag-usapan nila ang tungkol sa nangyari kamakailan sa naganap na ABSCBN Christmas Special.

"Nakarating lamang po ito sa atin ano? Pwede po kayong di maniwala, ito po ay nakarating lamang so kayo na pong bahala mag-confirm" panimula ni Ogie 

Bago siya magpatuloy ay nagpaliwanag muna siya sa publiko.

"Eh kaya lang po, dito sa industriya namin, kahit totoo na yung aming nakalap na impormasyon, kaya paring i-deny ng mga taong sangkot,"  

Ayon kay Ogie, nagkaroon raw ng hindi pagkakamabutihan sina Andrea at Francine dahil kay Seth sa Christmas Special.


"Nung December 18 ata, Christmas Special ng ABS-CBN, eh parang nagkaroon pa ng di pagkakaunawaan itong si Blythe at Francine. Oo, dahil nakita niya na nagpa-picture itong si Seth, diba may SethDrea, na parang ginu-groom ng ABS-CBN na lumaking love team, wala pa yung FranSeth. Kasi nga si Kyle at Francine yung ine-establish. Eh ngayon ang nakarating sa amin, hiniritan ng glam team nitong si Francine si Seth na jumoin sa kanila sa picture taking. Tapos ayun nga, eh parang ikinagalit ito ni Blythe, ni Andrea. Kaya totoo ba ito? Nagkaroon ng suguran sa dressing room?"

Matapos marinig ang kwento ni Ogie ay napatanong si Mama Loi "Sinong sumugod kanino?" na ayon sa source ni Ogie ay si Andrea raw ang sumugod.


"Sinugod daw nitong si Andrea itong si Francine, totoo ba yan? Parang ayaw yata ni Blythe na magkakaroon ng pagkakataon na makapagpa-picture yung dalawa kasi nga ang sabi sa akin ng mga taga-Blythe na source ko, eh iniingatan nga kasi ni Andrea yung love team nila ni Seth. Ayaw ni Andrea na maguluhan yung mga tao sa love team nila. Pero syempre diba, pag kaibigan mo naman yung tao? Kahit di mo ka-love team." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post