Tapat na inamin ni AJ Raval na kung papipiliin siya ay mas gusto raw niya gumawa ng movie na aksyon kay magpakita ng katawan sa camera.


Ayon kay AJ sa isang interview, gusto raw sundan ang yapak ng kanyang amang si Jeric Raval na isa sa mga sikat na action stars noong 1990s.

“Open na open ako sa pagpapa-s*xy at sa action, pero kung kailangan pumili, mas prefer ko talaga mag-action. Siyempre, parang 'yung parents natin ginagaya natin," sabi ni Aj

“Siyempre idol ko tatay ko at sa kanya ako open kung bakit nag-artista ako at paano nag-start dahil sa dad ko. Siyempre gusto ko sumunod sa yapak niya. Gusto ko mag-action din," dagdag ni AJ.

Ayon kay AJ parang awkward parin daw sa kanya ang magpakita ng katawan sa camera.


“Gusto ko yung mga fight scene na MMA, may Muay Thai, parang ganu’n. Mas nahihirapan ako mag-strip kesa sa action stunts... kapag nag-i-strip, may awkward moment pa rin ako hanggang ngayon," paliwanag niya.

Sa ngayon ay mapapanood ang pelikula ni AI na "Hugas" sa VivaMax.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post