Na-hot seat ang actor na si Paolo Avelino sa isang media conference matapos tanungin ito ng showbiz reporter na si Jun Lalin tungkol sa totoong relasyon nila ni Janine Gutierrez.


Sina Paolo at Janine ay gumanap bilang mag-asawa sa seryeng "Marry Me, Marry You".

Dahil pareho silang single, tinanong ni Lalin sina Paolo at Janine kung di ba raw sila na-iingit sa kanilang co-stars na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano.

“Si Paulo at si Janine, pareho naman silang single, di ba kayo naiingit kay Pie at kay Doods? Wala ba kayong balak na totohanin na ang napapanood na kinakikiligan naman talaga sa inyo? Kayo bang dalawa since pareho kayong single, baka may something rin kayo?” tanong ni Lalin 

Makahulugang smile naman ang sagot ni Janine at inaming lahat sila na-iingit.

"Tito Jun, Happy New Year. Lahat kami naiingit kay Ms. Pie. Walang tatalo sa kasweetan nila," ani Janine 


Dahil hindi sinagot ni Janine ang tanong ay si Paolo naman ang tinanong ni Lalin: "Hanggang ganun lang ba yun? Wala bang ligawan na nangyayari?" 

"Ako po, si Janine lang hinihintay lagi. So, tingnan natin kung hindi kami masyadong busy for this year. May sari-sarili kaming gagawin for this year" sagot ni Paolo 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post