Kamakailan lang ay nagpost ang komedyanteng si Ogie Diaz kaugnay sa misis ng isang basketball player na hindi parin nagbabayad ng utang sa kanya.


Kwento ni Ogie sa kanyang post, luma na raw ang dahilan ng misis ng basketball player ng kanya itong singilin.

"Ang luma na ng mga dahilan ng misis ni Basketball Player. Hintayin ko raw siyang makabangon para mabayaran ang utang sa akin.

Dalawang taon na niyang sinasabi yan. At dito lang siya consistent, ah! Sana, sa pagbabayad din ng utang, Ms. P. 

Mabait naman ako, sabi ko sa kanya. Kaso parang inaabuso naman niya ang kabaitan ko.

Nakakapagod na. Kaya eto ako ngayon, nagsusumbong sa facebook. 


Andami nang naniningil ng utang sa kanya. At dalawa na kami doon ni Doc Louie. Dalawa lang kami sa napakarami." Bahagi ng post ni Ogie 

Sa kanyang paninabong post ngayong araw ay inilahad ni Ogie na nasa kulungan na raw "sila". Hindi niya pinangalanan sa kayang post kung sino itong nasa kulungan. Hindi rin malinaw kung ito ba ang may utang sa kanya na misis ng basketball player.

Ngunit sa comment section ng kanyang post ay may isang netizen ang nagtanong: "San si basketball player? #consistentako" 


Sumagot naman si Ogie at sabi niya: "dyowa ni TR."





Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post