Handa na raw mag-settle down ang kapamilya actor na si Enzo Pineda sa girlfriend niyang si Michelle Vito.


Isiniwalat ng actor sa isang episode ng podcast PUSH Bets Live na si Michelle na ang gusto niyang makasama habambuhay.

"To be honest, anytime pwede naman ako. Because I really see Michelle as... alam n'yo na. And if we're both ready, why not, 'di ba? Ako, game na game ako. I would love to spend my time with Michelle," ayon kay Enzo.

Inspirasyon na raw sa kanyang buhay si Michelle.

"Isa siya talaga sa reason kung bakit ko ginagawa 'yung mga bagay na [ginagawa ko]. And I wouldn't be the person that I am right now if it wasn't for her," sey pa niya.


"Para sa akin, totoo 'yung sinasabi na 'You are who you surround yourself with.' So I'm very blessed to have a woman who supports me in any way that she can and who inspires me to become better in all aspects. Become a better son, brother, boyfriend, citizen, actor. So ang laking factor niya sa buhay ko in why I'm doing this. And I guess, nakikita naman natin na things are going to the right direction," dagdag pa niya 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post