Talagang di makapagpigil at naglabas ng kanyang prankang reaksyon si Lolit Solis matapos niyang malaman na sa text lang nakipagbreak si Mel Sarmiento kay Kris Aquino.


"At how gross na sa text lang niya break si Kris Aquino. Sayang talaga dahil nga akala ng lahat ito na ang hinihintay na matagal ni Kris, at inakala pang kasundo ng mga anak niya, pero hindi pala. How sad," sabi ni Lolit 

Umaasa din si Lolit na sana ay hindi raw masyadong nasaktan si Kris sa hiwalayan nila ni Mel dahil madagdaghan lang daw ang stress nito kung sakaling nasaktan ito.


"Sana naman hindi gaanong nasaktan si Kris at nakamove on agad, kundi dagdag stress pa sa kanya iyon break up nila ni Mel," ani Lolit Solis 

Kilala si Kris Aquino bilang Queen of All Media, isang television host, actress at product endorser. Siya ay bunsong anak nina Ninoy Aquino at dating President Cory Aquino. Kapatid rin siya ng namayapang si Dating President Benigno Noynoy Aquino  III.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post