Hiwalay na raw ang celebrity couple na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial ayon sa source ng talent manager na si Ogie Diaz.


Sa kanyang showbiz update vlog, ay pinag-usapan nila ni Mama Loi ang tungkol sa paliwanag ni Diego kung bakit hindi nakasama si Barbie sa kanya sa US.

Ayon kasi kay Diego kaya hindi nakasama sa US si Barbie dahil :"I don't think Barbie has a blue passport." 

"Bakit may mga 'I think', di sila nag-usap?" sabi ni Ogie 

Sabi naman ni Mama Loi: "Diba dapat mas diretso na salita na, 'She would like to come' or 'I invited her to come with me kaso she doesn't have a visa.' Diba dapat ganun? Bakit 'I think she doesn't have a passport', 'I think she doesn't have a visa.' Bakit di mo alam?" 


Matapos nito, ay ibinunyag ni Ogie na may nakapagsabi raw sa kanya na hiwalay na sina Barbie at Diego.

"Ito lang po yung nasagap natin ano, na yung dalawa raw eh wala na. Totoo ba? Ito ay tinatanong ko ah. Kasi meron lang pong nagparating sa akin na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, ang kanilang relasyon, kung san na napunta... Ang sabi lang sakin ah, waley na raw." 

Ayon pa sa source ni Ogie, nag-aaway raw ang dalawa at pinagpili si Diego kung itutuloy paba ang kanilang relasyon o hindi na.

"Ang nabalitaan natin ano, nag-away daw itong si Barbie at si Diego. Tapos ang sabi, mamili lang daw si Diego. Itutuloy pa ba natin 'to or hiwalay na? Eh parang nanalo ata yung hiwalay na. Yun po yung nakarating sa akin." 

Panoorin dito ang buong video:

Si Diego Loyzaga ay anak ng beteranang actress na si Teresa Loyzaga at ng action star na si Cesar Montar. Maliban sa pagiging actor isa rin si Diego na Video Jockey at Model.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post