Nagbigay na ng kanyang seryosong reaksyon ang actress na si Janella Salvador kaugnay sa pagkabisto kamakailan ni Joshua Garcia na crush niya noon si Janella. 


Nang makapanayam si Janella ni Ogie Diaz ay diretsahan niyang tinanong ang actress tungkol reaksyon niya nang ibinulgar ni Daniel Padilla na crush siya noon ni Joshua.

Ayon kay Janella, matagal na raw niya itong alam.

"Sinabi naman niya yun sakin dati.Nung killer bride pa, he told me. Saka nakita ko din yung ibang interviews niya dati so napag-usapan namin yun ni Joshua dati," 


"Natuwa ako sa kanya kasi yung pagkasabi niya sa akin he really respects me so, yun yung maganda kay Joshua," 

Ayon pa kay Janella, very good friends raw sila ng actor.

"Magiging masaya rin si Joshua, deserve niya 'yun," sabi pa ni Janella 

Panoorin dito ang video


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post