Isiniwalat actress na si Cindy Miranda na ayaw raw niyang gumawa ng milagro sa loob ng nakapark na sasakyan.


Kwento niya sa presscon ng pelikula niyang "Reroute" ng Viva Films, may kaibigan raw siyang nahuli na may milagrong ginawa sa kotse, peru siya ay hindi raw ito nasubukan.

“May mga kaibigan akong nahuli, ginagawa 'yun sa car but, you know, I haven’t tried it and I don’t think I’m gonna try it," ani Cindy 

“So far, hindi ko pa siya nata-try, pero sana, hindi ko gawin. Baka mahuli rin ako, di ba?” dagdag ng aktres.

Sa trailer ng pelikula, makikita na nagse-s*x sina Cindy at Sid Lucero, na gumaganap sa papel ng mag-asawa, hanggang sa may makahuli sa kanila.

“Feeling ko talaga bawal, kasi respect yun. Ayaw natin na magulo yung ibang tao kasi siyempre gumagalaw yung car. Nakaka-disturb yun sa ibang tao," paliwanag pa ng aktres 

Pero nilinaw niya na hindi siya kontra sa mga gumagawa ng "car fun."


“Hindi naman lahat ng tao, pare-parehong mag-isip. May iba, conservative. May iba, very open to that. Yung iba, walang pakialam. Maybe, we respect na lang people and do it in private. (But) I’m not against naman sa mga taong gumagawa nun. Sometimes, it’s just for fun. Sometimes, you just need it,” sabi pa ni Cindy.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post