Usap-usapan at agad umani ng samut-saring reaksyon mula sa mga netizens ang isang eksena sa Pinoy Big Brother kung saan nag-uusap ng masinsinan sina Alexa Ilacad at Eian Rances.

Sa nasabing episode ay pinag-usapan nina Alexa at Eian ang tungkol sa naging pagpitik ni Eian kay Alexa habang kino-comfort ito upang maibsan ang kanyang pagkalungkot.

Tila hindi nagustuhan ni Eian ang ginawang pag-comfort ni Alexa sa kanya.

“Kasi perfect timing sila mag-comfort. At ayoko ‘yung kino-comfort ako na para ako ginagawang bata. At ayoko ‘yung paulit-ulit ka,” sabi ni Eian 

Paliwanag naman ni Alexa: “Hindi naman kita kino-comfort eh. Chine-check ko sana kung okay lang.Hindi ko deserve ‘yung pitik na ‘yun,”  

Peru ayon kay Eian naguguluhan raw siya sa kinikilos ni Alexa.

“May mga bagay talaga na kahit hindi tayo nag-uusap, actions mo nakilala kita as a person, ang salita mo, kung paano ka talaga. Sabi ko hindi talaga match ‘yung personality mo sa personality… 

Kaya naman humirit si Alexa ng: “That is so offensive. Tingin mo gumagawa ako ng love team?” 

Sumagot naman si Eian ng :“Siguro,”  

Pranka pang tanong ni Alexa: “So you think ginagamit lang kita?” “Wala akong sinasabing ganun. 

Sagot ni Eian: "Sorry kung sinabi ko sa ‘yo ‘yung nararamdaman ko,” 

Sabi naman ni Alexa: “De okay lang. Natatawa na nga lang ako eh,” 

Matapos nito ay di mapigilang tawaging bastos ni Alexa si Eian dahil sa pagwalk-out nito sa kanilang mainit na usapan.

“Sandali. Hindi kasi okay. Oh my God bastos kausap,” sabi ni Alex kay Eian 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post